Dumepensa si Justice Secretary Leila de Lima sa pagpapasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng mga tumestigo sa Senado kaugnay ng umano’y anomalya sa konstruksyon ng Makati City Hall Building II.

Ayon kay De Lima, ginagawa lamang ng Department of Justice (DoJ) ang kanilang mandato sa ilalim ng Republic Act 6981 o Witness Protection Law (WPL). Nakasaad dito na maaari ding mailagay sa WPP coverage ang mga indibidwal na tumestigo sa mga kasong kriminal at sumalang sa legislative inquiries.

Iginiit din ni De Lima na nagpasya ang DoJ, batay sa kahilingan ng Senado sa pamamagitan ni Senate President Franklin Drilon at ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee. Kung hindi tatalima ang DOJ sa hiling ng Senado, mangangahulugan ito ng pagtalikod sa kanilang tungkulin.

Ang pahayag ni de Lima ay tugon sa pagkuwestiyon ni Sen. Nancy Binay sa pagsasailalim kina Dating Vice Mayor Ernesto Mercado, Atty. Renato Bondal at Nicolas “Ching” Enciso sa WPP gayong hindi naman daw sila nagsasabi ng katotohanan.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod