Bea and Paulo

NGAYONG gabi na eere ang “most tempting episode” o love scene nina Rose at Patrick na ginagampanan nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa gabi-gabing inaabangang Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Inaabangan ng mga kakilala namin kung ano ang mag-uudyok kina Rose at Patrick para bumigay sa tukso at kung aaminin na ni Rose sa asawa na siya ay nagpapanggap lamang bilang si Emmanuelle. Kaabang-abang din kung paano haharapin ni Patrick ang galit at selos ni Sasha (Maricar Reyes) matapos ang nangyari sa kanila ni Rose.

Samantala, makikiisa sa Peñafrancia Festival sa Bicol sina Paulo at Maricar bilang bahagi ng espesyal na Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional. Gaganapin ito bukas sa SM City Naga parking lot, 4:00 PM.
National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'