BUKAS na ang Star Magic Ball. Lahat halos ng Kapamilya stars lalung-lalo na angnasa pangangalaga ng Star Magic ay super excited na. Isa sa tiyak na dadalo ang comebacking actor na si JM de Guzman.

JM De GuzmanWala siyang ka-date sa Star Magic Ball pero inaasahan niyang magkikita sila at mabibigyan ng pagkakataon na makapag-usap ng kanyang dating kasintahang si Jessy Mendiola. Matagal na rin simula nang maputol ang komunikasyon nila ng magandang aktres.

"Sana magkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap at makapag-catch up," sey ni JM.

Aniya, pagkakataon na rin 'yun para pormal niyang mapasalamatan si Jessy sa magagandang sinabi nita tungkol sa kanya tuwing iniinterbyu ang aktres. Sobrang touched si JM sa mga papuri ni Jessy sa kanya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa pagkakaalam ng aktor, kagaya niya ay wala ring ka-date si Jessy sa Star Magic Ball.

"Wala po akong date, eh, ganun din naman siya. We are both coming alone," sabi ng magaling at nagbabalik showbiz na aktor.

Jessy MendiolaUmaasa si JM na mabibigyan din daw siya ng pagkakataon na makita at makausap ang ilang kaibigan niya sa showbiz. Sana raw ay hindi pa nagbabago ang mga ito sa kanya.

"Nilo-look forward ko 'yung makipag-meet up ulit sa friends ko sa showbiz, makipag-bonding. Siyempre 'yung mismong buong event kasi masaya. Ngayon lang ulit ako dadalo sa okasyon na 'yun, hindi kasi ako nakarating last year," pag-amin ng aktor.

May ilang linggo na niyang pinaghahandaan ang nasabing okasyon. Nu'ng sukatan siya ng isusuot niya para sa event ay sinabihan niya ang gumawa ng outfit niya na medyo bawasan ang sukat sa kanya dahil sigurado siyang papayat na siya sa mismong araw na 'yun.

"Araw-araw akong nagwoworkout, medyo five pounds na 'yung na-lose ko ngayon. Kaya ganu'n na lang ako ka-excited ngayon na dumalo sa Star Magic Ball," sey pa ni JM.