Jason & Vickie

ni Chit A. Ramos

KINIKILIG nang tiyak ang masusugid na tagahanga ng PBB All In housemates na nagmarka sa televiewers na napapanood na ngayon sa Hawak Kamay, sina Manolo, Maris, Nicole at Axel.

Mukhang magaling sila at excited sa action scenes. May eksena kasing ipinagtanggol nina Manolo at Axel ang dalawang dalagita nang bastusin sila ng dalawang istambay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Iyon na nga lang, mas bagay si Maris bilang ka-Iove team ni Manolo. Puwede namang kay Axel na lang ipareha si Nicole.

What do you think, production people of Hawak-Kamay?

Meanwhile, ka-level na ngayon ni Jason Abalos sina Gerald Anderson at Derek Ramsay.

Si Jason Abalos kasi ang ikatlong sikat na actor na nagregalo sa kanyang karelasyon ng bonggang-bonggang car. Si PBB All In 3rd runner-up Vickie Rushton ang recipient ng isang bonggang Ford na kulay gray.

"Pinaghandaan ko ito. Alam kong kakailanganin niya ang sasakyan paglabas niya ng Bahay ni Kuya," simpleng katwiran ni Jason nang tan un gin siya ni Madam Kris Aquino tungkol sa regalo niya.

"Grabe," ani Kris habang nakatingin kay Vickie na katabi ni Jason nang gabing iyon sa Aquino and Abunda Tonight. "Maging mabait ka kay Jason, ha?"

Ang unang actor nanagregalo ng mamahaling sasakyan sa kanyang lady love ay si Gerard Anderson. It was his way of thanking Kim Chiu for the help given him bilang ka-love team ng PBB Teen Grand winner.

Gerald probably didn't realize na nakatulong din siya kay Kim. Kung naiba-iba ang ka-love team ng dalagita, hindi nila mararating ang kinarorounan nila ngayon. He's the other half of the phenomenal Kimerald, di ba, Bossing Dindo?

Their relationship lasted for more than five years.

Ang pangalawa ay ang box office actor na si Derek Ramsay. At ang masuwerteng babe ay si Angelica Panganiban.

Their relationship was the envy of all the Single ladies in and out of showbiz. Sayang at hindi sila nagkaroon ng happy ending after more than five years din.

Tulad ni Madam Kris, hoping din ang mga umiidolo ngayon kay Jason na maging matatag ang relasyon ni Vickie kay Jason, dahil bihira nang lalaki ang katulad ng kanyang boyfriend ngayon. No matter how pretty Vickie is, bihira pa rin ang katulad ni Jason. Galing din kasi si Jason sa isang reality show ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest na pinanalunan ni Erich Gonzales. Kaya nauunawaan niya kung ana ang nangyayari sa aspirants pagkatapos ng reality show. For a while ay naging magka-love team din sina Erich at Jason. It took sometime bago sila tuluyang sumikat.

Dagdag na sabi pa ni Madam Kris kay Vickie: "Bihira na ang lalaking pati buong pamilya mo ay 'nirerespeto at tinutulungan din. Inihahatid pala ni Jason ang mom mo at mga kapatid kapag umuuwi sila ng probinsiya. Bongga talaga!"

Sa tatlong couples, sina Jason at Vickie na marahil ang magkatuluyan dahil marunong silang umunawa sa isa't isa.