BACOLOD CITY – Maayos na ang lagay ng isang leader ng Revolutionary Proletariat Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) na tinambangan ng mga hindi nakilalang suspek noong nakaraang linggo.

Base sa imbestigasyon ng awtoridad, nakasakay sa motorsiklo si Geovanie Banista, alyas Ka Amor, umano’y district commander ng RPA-ABB sa katimugan ng Negros, nang pagbabarilin ng apat na armadong lalaki sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon kay Senior Supt. Miko Lirazan, direktor ng Negros Occidental Police Provincial Office, posibleng sangkot ang New People’s Army (NPA) sa nasabing pananambang. - Jun N. Aguirre

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20