_cover-768

Hindi mo na kailangang magtaka kung ano ang isinuot ni Angelina Jolie nang ikasal siya kay Brad Pitt.

Isang linggo matapos silang magsumpaan sa kanilang French chateau noong Agosto 23, inilathala ang kanilang wedding photo sa Wednesday issue ng People magazine at sa Hello magazine internationally. Lumabas si Angelina, 39, suot ang full bridal regalia at mayroon ding litrato ng naghahalikang bride and groom at family photo ng happy couple at ng kanilang anim na anak.

Pag-usapan natin ang dress, na kakaiba sa alinmang celebrity wedding gown na ating nakita. Ang satiny scoop neck ivory-colored gown ay classic looking sa fitted bodice at sweeping skirt. Gayunman, itinahi ng master tailor ng Atelier Versace na si Luigi Massi ang ilang dosenang makukulay na drawings ng kanilang mga anak sa likuran ng damit. Mayroon ding flowers, animals, at mga tao na nakasulsi sa gown gayundin sa belo ni Angelina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Luigi is like family to me and I couldn’t imagine anyone else making this dress,” ani Angelina sa People. “He knows and cares for the children and it was great fun putting it together.”

Itinaa ni Angelina ang kanyang buhok sa kanyang ikatlong paglakad sa alter. Nagsuot siya ng minimal jewelry — earrings at isang singsing sa index finger ng kanyang kanang kamay.

Para naman kay Brad, sa kanyang ikalawang kasal, ni-recycle niya ang suit na nasa kanyang closet. Gayunman, ang kanyang tie, ay hiniram niya sa isa sa kanyang mga anak dahil nakalimutan ng Fury star na mag-empake ng kanyang sariling isusuot. Oops!

Ipinakita sa family photo ang happy couple at ang kanilang mga anak — sina Maddox, 13, Pax, 10, Zahara, 9, Shiloh, 8, Vivienne at Knox, 6 — na nakaupo sa hagdan, marahil ay sa chapel sa bakuran ng Château Miraval. Iniulat ng People na abala ang anim na maliliit na Jolie-Pitt dahil sila ay umaktong “wedding planners” para sa kanilang mga sikat na magulang Alam natin na sina Maddox at Pax ang naghatod sa kanilang ina sa altar, sina Zahara at Vivienne ay flower girls, at sina Shiloh at Knox ang mga ring bearer. Ang mga bata rin ang nagsulat ng vow ng kanilang mga magulang. At si Pax ang baker — siya ang gumawa ng wedding cake!

_ange-real-z

Ang boys at si Shiloh ay nagsuot ng black suits, ngunit ang kay Shiloh ay shorts suit na tinernuhan niya ng top hat. Ang damit ni Zahara ay dinisenyo ng kaibigan ng pamilya na si Adama Kebe, at si Vivienne ay nagsuot ng white dress mula sa kanyang closet.

“It was important to us that the day was relaxed and full of laughter,” ani Brad at Angelina sa People. “It was such a special day to share with our children and a very happy time for our family.”

May kabuuang 20 guests ang naroon para sa intimate affair, kabilang na ang lahat ng immediate family ni Brad. Hindi naman dumalo ang ama ni Angelina na so Jon Voight, na hidni maganda ang kanilang relasyon.

Ang couple, siyam na taong nagsama bago nagpakasal, ay igugugol ang kanilang honeymoon… sa trabaho. Si Brad ay nasa England para sa promo ng Fury noong Huwebes at suot ang kanyang wedding band. Mula roon ay lumipad siya sa New York. Samantala, si Angelina ay nasa Malta, bilang paghahada sa pagdidirehe niya sa By the Sea mula sa kanyang sariling screenplay. Ang dalawa ay nagkakilala sa set ng kanilang pelikulang Mr. & Mrs. Smith noong 2005. - Suzy Byrne/Yahoo Celebrity