Diether Ocampo

NASA Pilipinas lang daw si Diether Ocampo, sabi ng taong malapit sa kanya.

May binubuo palang project ang aktor na siya mismo ang producer at isa itong international movie.

Say ng aming source, nasa ABS-CBN daw kamakailan si Diether para sa isang meeting.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Gagawa ng international movie kaya nakipag-meeting,” kaswal na sabi sa amin.

Nagmamadali ang kausap namin kaya hindi namin naitanong ang iba pa naming gustong malaman tungkol sa aktor, pero nagsenyasan kaming magtatawagan.

Dagdag pa pala, “Happy si Diet now maski walang project kasi inspired siya.”

Karelasyon pa rin daw ng aktor hanggang ngayon ang kamag-anak ni Kris Aquino na nabibilang sa Cojuangco clan.