DAVAO CITY – Ilang araw bago simulan ang administrative procedures sa kasong isinampa ng kanyang asawa, sinibak sa puwesto si Davao City Police Chief Senior Supt. Vicente Danao Jr. alinsunod sa relief order ni Chief Supt. Wendy Rosario, direktor ng Police Regional Office (PRO) 11 sa Davao Region.

Sinabi noong nakaraang linggo ng Internal Affairs Services (IAS) ng PRO 11 na inaprubahan ng Malacañang ang paglilitis sa apat na bilang ng physical injuries at grave misconduct inihain laban kay Danao ng sarili niyang maybahay.

Ayon kay IAS-11 chief Senior Supt. Pedro Cabatingan Jr., pinasusumite na si Danao ng kanyang ounter affidavit.

Habang nililitis ang kaso, itatalaga si Danao sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit, ayon kay Senior Supt. Camilo Cascolan, chief of staff ng PRO - Alexander D. Lopez

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20