Sarah at Mommy Divine

KAHIT ilang buwan nang inamin ng dalawa ay hindi pa rin pala natatanggap ni Mommy Divine ang relasyon ng anak niyang si Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli. May mga pagkatataon pa rin daw na nagkokontrabida ang ina ng pop princess.

Pero kabaligtaran naman ito sa pamilya naman ni Matteo. Lahat sa partido ng binata at maski na nga raw ‘yung malalayong kamag-anak niya at maging ang mga kababayan niya sa Cebu ay tanggap na tanggap si Sarah.

Puring-puri ng pamilya ni Matteo ang dalaga.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Banggit pa nga ni Matteo, masayang-masaya siya na walang isa man sa mga kapamilya niya ang nagkokontrabida sa relasyon nila ni Sarah.

Sey ng hunk actor, hangad niya na maging forever ang relasyon nila ni Sarah. Matagal din daw niyang iniantay noon na makilala nang husto at maging kasintahan si Sarah. Kaya nang masungkit niya ang matamis na oo ng dalaga at naibunyag na nila sa lahat ang relasyon nila, katuparan iyon ng mga pinangarap niya.

Kaya gagawin niya ang lahat para pangalagaan at ipagtanggol ang relasyon nila. Para lalo pa itong tumibay at hindi maapektuhan ng mga intriga.

Aminado si Matteo na mas inspirado siya ngayon at araw-araw ay nakakapag-usap sila ni Sarah gaano man sila ka-busy sa showbiz commitments nila.

Dalangin ni Matteo na maranasan din ni Sarah ang mundo ng sports na hilig niya. Aware din naman ang Kapamilya actor na sobrang busy si Sarah kaya hihintayin na lang daw niya ang pagkakataon na pupuwede na si Sarah para matupad ang dalangin niyang ito.