Sinabi ng migrant rights group na Migrante-Middle East(M-ME) na tatlong buwan nang walang trabaho ang 950 overseas Filipino worker (OFW) resulta ng breach of contract at malawakang paglabag sa labor rights ng kanilang employer.

Ayon kay John Leonard Monterona, M-ME regional coordinator na nakabase sa Riyadh, Saudi Arabia, ang OFWs ng Al Mojil Group of Companies(MMG) na contractor ng Saudi Aramco ay nasa ikatlong buwan na ng kanilang “stop work” protest makaraang mabigo ang negosasyon sa kanilang employer bunsod ng hindi pagsunod sa terms and conditions sa employment contract.

“The 950 OFWs were victim of contract violations such as delayed payment of salary, working without Iqama (residence ID), others who have been working for 10 to 15 years were not given entitlement such as end of service benefits (ESB), and they were not allowed to go vacation though they already successfully completed their 1 year contract; some of them were deployed but no actual job assigned as per their respective job applied,” pahayag ni Monterona.

Nabatid kay Monterona na ang mga OFW na tumigil sa trabaho noon pang Hulyo 2014 ay mula sa limang job site: ang MMG- Jubail Camp 2 (500 OFW), MMG - Yanbu Camp site (100), MMG - WASIT SK Camp (150), MMG - Shaybah Camp site (100), at MMG - Dharan Camp site (100).

National

#WalangPasok: Listahan ng class suspensions sa Sept. 16, 2024

Ayon kay Monterona, ang kanilang reklamo ay inendorso sa Philippine Labor Overseas Office (POLO) sa Al Khobar noong Hunyo 2014 subalit walang naging aksiyon ang ahensiya hanggang sa matigil na sa paggawa ang mga OFW na ang tanging hangad ay sumunod ang kanilang employer sa terms and conditions sa kanilang nilagdaang kontrata.