IMUS, Cavite – Isang Koreano ang arestado ng pulisya dahil sa umano’y panggagahasa sa sarili nitong anak habang lango sa droga ang suspek sa kanilang bahay sa General Mariano Alvarez.

Kinilala ni Senior Supt. Joselito T. Esquivel Jr., Cavite Provincial Police Office director, ang naaresto na si Myoung Sub Jung, 44, ng Block 14, Lot 16, Barangay Ramon Cruz, GMA.

Si Jung ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at opiysal ng barangay kasama ang mga tauhan ng Municipal Social Welfare and Development na pansamantalang kumubkob sa anim na gulang na anak nito.

Si Jung ay inaresto ng awtoridad base sa reklamo ng kanyang live-in partner na si Thelma De Luna Aporto matapos gahasain at ikulong sa kanilang bahay ang dalagita ng suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabawi ng arresting team ang isang glass tube, palara, at maliliit na bakas ng pinaghihinalaang shabu sa bahay ng suspek. - Anthony Giron