Bago niya tuluyang burahin ang kanyang Twitter, nag-tweet si CeeLo Green ng ilang kontrobersyal na opinion kaugnay sa rape.

Ang dating mentor ng The Voice ay hindi kinontra noong Biyernes ang felony count na nagsasabing noong 2012 ay binigyan niya ng ecstasy ang isang babae habang sila ay naghahapunan. Sinabi ng babae na inabuso siya ni Green at nagising siyang hubad sa higaan. Sinabi ni Green na ang consensual ang sexual act. Hindi na isinulong ang kasong rape noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Kasunod ng kanyang plea, nag-tweet ang “F**k You” singer na: “If someone is passed out they’re not even WITH you consciously! so WITH implies consent.”

Idiniin din niyang: “People who have really been raped REMEMBER!!!”

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Nang sumagot ang iba sa kanyang shocking messages, nagtanong siya: “So if I tried but did NOT succeed but the person said I DID then what really happened?”

Kasunod nang mga nakagugulat na tweet na ito, nagpaskil si Green ng apology bago tuluyang burahin ang kanyang account.

Sulat niya (via BuzzFeed): Let me 1st praise god for exoneration fairness & freedom! Secondly I sincerely apologize for my comments being taken so far out of context. I only intended on a healthy exchange to help heal those who love me from the pain I had already caused from this. Please forgive me as it.. …was your support that got me thru this to begin with. I’d never condone the harm of any women. Thank you.” - ET Online