Pinaghahanap ngayon ng Pasay City Police ang dalawang lalaki na sangkot sa tangkang panloloob sa isang pawnshop sa lunsod matapos mapatay ang kanilang ikatlong kasamahan ng mga rumespondeng pulis kamakalawa ng madaling araw.

Dead-on-the-spot si Alberto Quilicol, alias “Utoy,” ng Mangahan St., Daop-palad, Merville, Pasay City.

Ayon kay SPO4 Ernesto Tesoro, tinawagan niya ang Kalayaan Police Community Precinct dakong 2:10 ng madaling araw noong Biyernes upang ipaalam na tumunog ang alarma sa Villarica Pawnshop sa Merville Access Road.

Nang rumesponde si SPO1 Gerardo Perchaso kasama ang ilang barangay tanod, natiyempuhan nilang habang tumatakas sa lugar.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

At imbes na sumuko sa tawag ng pulisya, pinaputukan umano ng mga suspek ang grupo ni Perchaso.

Nagtamo ng tama ng bala si Quilicol sa kanyang likod na tumagos sa kanyang dibdib. Nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito sa lugar.

Habang nakahandusay, nabawi ng mga pulis sa kamay ni Quilicol ang isang 22 caliber revolver na may siyam na bala. - Mitch Arceo