CABANATUAN CITY - Patay ang isang pitong taong gulang na babae makaraang mabundol ng isang rumaragasang 10-wheeler truck na mabilis na tumakas subalit napigilan sa police checkpoint sa Carranglan, Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Supt. Ricardo Villanueva, commander ng Provincial Public Safety Company (PPSC), nakilala ang nasawi na si Samantha Nicole Manuel Adriatico, mag-aaral sa Grade 1, ng Zone I, Barangay Tayabo, San Jose City.

Bandang 2:00 ng hapon nang mangyari ang aksidente at tumakas ang driver ng truck (RHZ-993) na si Jerry Isidro Caluya, 32, palay trader, ng Aritao, Nueva Vizcaya, pero naharang din siya sa checkpoint na inilatag ni Insp. Ray Agliam, ng PPSC-Puncan.

Nakumpiskahan din si Caluya ng isang .40 caliber customized pistol na may dalawang magazine na may 34 na bala. - Light A. Nolasco
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20