STAR-STUDDED ang katatapos na Kadayawan Festival sa pagdalo ng maraming Kapuso stars sa pangunguna ng tatlo sa pinaka-in demand na leading men sa GMA Network na sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, at Tom Rodriguez.

Tuwang-tuwa ang cast ng Ang Dalawang Mrs. Real na sina Dingdong, Lovi Poe, Rodjun Cruz, at Marc Abaya sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Dabawenyo sa kanilang Kapuso Fiesta sa SM City Davao noong August 17.

“We’re very thrilled that we got to be part of this very special event for Davao and share with them the cast ng Ang Dalawang Mrs. Real. We had a great time celebrating and bringing entertainment to our Kapuso here. My past experiences here were always pleasant and it just gets better and better,” masayang sabi ni Dingdong.

Si Dennis naman na bida sa medical drama series na Sa Puso ni Dok, ay nangtanghal sa show sa Abreeza Mall kasama sina Thea Tolentino, Andre Paras, at JC Tiuseco ng The Half Sisters nang araw ding iyon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Masaya ako na naging part kami ng Kadayawan Festival celebration this year,” sabi ni Dennis. “Hindi ko makakalimutan ‘yung appreciation ng mga Kapuso nating Dabawenyo sa atin na hindi nagbabago, particularly ‘yung energy nila na nagpapagana sa aming mag-perform. It really matters to us, knowing na napapasaya namin sila.”

Tuwang-tuwa rin si Tom, na tubong-Leyte, sa nasaksihan niyang nag-uumapaw na suporta ng mga Dabawenyo sa GMA stars.

“When I saw the people I knew it was gonna be even better than last time. Kasi mga taga-Davao kay grabe, lami gyud kaayo mu-entertain; lami kaayo ang ilang pag-accept. The last time grabe ilang siyagit, lami kaayo ang feeling,” ani Tom sa Bisaya. (“Dahil ang mga Dabawenyos ay very entertaining. Ramdam ko talaga ang init ng pagtanggap nila. Ang lalakas ng mga hiyaw nila and it feels great.”)

Kasama ni Tom ang My Destiny co-stars niyang sina Rhian Ramos at Ruru Madrid, pati sina Gabby Eigenmann. Chynna Ortaleza, at Glaiza de Castro ng Dading sa malls show sa Gaisano Mall of Davao noong August 16. Nakibahagi rin sila sa Kadayawan high sa isang Kapuso Meet & Greet at Kapuso Street Party sa San Pedro St. cor. Bolton St., Davao City.

Nagpakita rin sina Gabby, Chynna, at Glaiza sa kanilang fans sa Gaisano Mall of Toril bago ang joint show nila ng cast ng My Destiny.

Sumali rin sa nasabing festival ang Taste Buddies host na si Solenn Heussaff na pinabilib ang audience sa kanyang singing talent sa Kapuso Meet and Greet sa SM Lanang Premier; samantalang nagpakilig naman sina Rocco Nacino, Rafael Rosell, at Kristoffer Martin sa kanilang mall show sa NCCC Mall of Davao noong August 15.

Ang highlights ng pakikiisa ng GMA sa Kadayawan Festival ay mapapanood sa Let’s Fiesta! ngayong August 31 sa lahat ng GMA regional stations sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, GenSan, at Cagayan de Oro.