BATAC CITY, Ilocos Norte – Natagpuang nakasilid sa sako ang pinagputul-putol na bangkay ng isang dating barangay tanod na itinapon malapit sa isang sapa sa Batac City, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jess Sapaden, ng Barangay San Pedro, Batac City.

Pinaniniwalaang sa ibang lugar pinagputul-putol ng mga suspek ang bangkay ni Sapaden bago itinapon malapit sa isang sapa.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Samantala, umaapela naman ng katarungan ang pamilya ni Sapaden dahil sa karumal-dumal na pagpatay sa kanya. - Freddie G. Lazaro