Shakira

NEW YORK (AP) – Buntis si Shakira sa kanyang ikalawang anak.

Ito ang inihayag ng Colombian singer sa Facebook at Twitter noong Huwebes. Kinumpirma naman ng kanyang kinatawan na tunay ang mga account ni Shakira sa nasabing social media networks.

Post ng Grammy winner: “Yes, we are expecting our second baby!!! Thank you all for your well wishes!”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala nang iba pang ibinigay na detalye tungkol sa pagbubuntis ni Shakira.

Isinilang ni Shakira noong nakaraang taon ang panganay nila ng soccer player na si Gerard Pique, 27, na pinangalanan nilang Milan Pique Mebarak.

Si Pique, na mula sa Barcelona, ay soccer player para sa FC Barcelona.

Marso ngayong taon nang ini-release ni Shakira, 37, ang self-titled na ikasampung album.