Kris Bernal

Ni ALYSSA JANE AVELLANOSA, trainee

GUSTO nang kumawala ni Kris Bernal sa imaheng girl-next-door mula sa unang roles na naibigay sa kanya kaya buo ang kanyang loob sa pagtanggap ng mature role sa Hiram Na Alaala, ang pinakabagong teleserye ng GMA.

Nakilala si Kris nang siya ang tanghaling Ultimate Female Survivor sa Starstruck reality artista search. Napasama siya sa mga programang Boys Nxt Door, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Dyesebel at Luna Mystica bago nagbida sa afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin, remake ng pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong 1984.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Simula noon, sunud-sunod na ang pagbibida ni Kris sa mga teleseryeng Koreana, Time of My Life at Coffee Prince.

Sa Hiram Na Alaala, gagampanan naman niya ang lead role at magiging leading men sina Dennis Trillo at Rocco Nacino.

“Hiram na Alaala is about the power of shared memories. ‘Di ba, ‘pag malayo tayo sa mga loved ones natin, it’s the memories that we hold onto. Doon natin nararamdaman ang pagmamahal,” kuwento ni Kris. “Dito sa show na ‘to, magiging wife ako, magkakaroon ako ng pamilya. I’ve waited for years. Kumbaga, ito ‘yung growth na hinihintay ko. Maipapakita ko rito ‘yung ibang atake sa pag-arte,” dagdag pa ng aktres.

Gagampanan naman ni Dennis Trillo ang karakter ni Ivan Legaspi, isang sundalo na bata pa lamang ay gusto nang magsilbi sa bayan. Magiging matalik na kaibigan niya si Joseph (Rocco) na makikilala niya sa gitna ng digmaan. Lahat ng tungkol sa pakikipag-ibigan kay Andrea ay ikukuwento ni Joseph kay Ivan. Dadakpin at pahihirapan ng mga rebelde sina Ivan at Joseph. Masasagip si Ivan ngunit mananatili sa kamay ng mga kaaway si Joseph. Sa pagkakataong ito, magigising si Ivan sa ospital sa katauhan ni Joseph at mahuhulog ang loob kay Andrea Dizon (Kris).

Registered nurse si Andrea, girlfriend ni Joseph, at made-depress kapag nalamang nawawala ang kanyang kasintahan. Bagamat hindi makapaniwalang si Ivan ay naging si Joseph, mapapamahal na rin kay Andrea si Ivan dahil pakaramdam niya ay kasama na rin niya si Joseph sa piling nito.

Sa Setyembre, mapapanood na ang Hiram na AlaAla sa GMA Telebabad, sa ilalim ng direksiyon ni Dominic Zapata na siya ring nasa likod ng Temptation of Wife at My Husband’s Lover.