Nasa Pilipinas pa rin ang maybahay ng pinatay na international car racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor na isinasangkot na rin ng awtoridad sa krimen.

Ito ay matapos ilagay ng Immigration officials si Dahlia Guerrero Pastor sa listahan ng mga “Person of Interest” ng BI.

Sinabi ni Atty. Elain Tan, tagapagsalita ng kawanihan, lumilitaw sa travel record ng ahensiya hanggang kahapon na nasa bansa pa si Dahlia.

Subalit iginiit ni Tan na malayang makaaalis pa rin si Dahlia sa bansa dahil wala pang kasong naihahain laban sa kanya kaugnay sa nangyaring pagpatay sa kay Enzo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Dahlia ay isinangkot sa kaso ni PO2 Edgar Angel, na itinuturing trigger man sa pagpatay kay Enzo, si Dahlia at ang umano’y kalaguyo nito na si Domingo De Guzman na umano’y nagplano ng paglilikida sa international race car driver.

Inamin ni Angel, na nakatalaga sa Pasay City Police Station, sa mga imbestigador na inupahan siya nila De Guzman at Dahlia upang itumba si Enzo sa halagang P100,000. - Jun Ramirez