Shawn Marion, Tony Parker

Para kay four-time National Basketball Association (NBA) All-Star Shawn Marion, wala nang mas makahihigit pa sa kanyang pagnanais na makatulong sa mga mahihirap at magsilbi bilang inspirasyon sa kabataan upang abutin ang kanilang mga pangarap.

Dumating kamakalawa, ito ang unang pagbisita sa Pilipinas ni Marion at ito ay upang pangunahan ang Operation Hoops Cares na layong makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng kalamidad, partikular na sa Typhoon “Yolanda”.

“I’m all for charity,” ani Marion sa isang panayam na ginanap sa Solaire Resort and Casino. “I believe in giving back to the community, and I’ve seen the devastating tragedy here.”

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Bukod dito, tutulong din si Marion na ikalat ang mensahe tungkol sa mga negatibong naidudulot ng hazing at bullying lalo pa at marami na ang mga nabiktima at pumanaw na kabataang Pilipino sa mga nagdaang taon dahil dito.

Sa pakikipagtulungan ng Ako Bicol Partylist, nagtungo si Marion sa Legazpi City para sa isang basketball clinic.

“I hate it (bullying), there’s no room in this world for bullies - there’s no place for it. I think they just have insecurities and they want to pick on smaller people and they feel like it’s okay, but I don’t like it,” giit ni Marion, na kamakailan ay lumagda sa Cleveland Cavaliers at maglalaro kasama nina LeBron James, Kevin Love at Kyrie Irving.

“They (Hoops Cares) talked to me a few weeks ago and asked me to come over here, and I was like, ‘why not?’ I’ve never been here, it’s a great country, and I know how big basketball is over here. I’m very open to seeing different cultures.”

Dagdag ni Marion, malapit sa kanyang puso ang charity work na kanyang ginagawa sa Pilipinas dahil katulad ng karamihan sa kabataang kanyang nakasalimuha, siya rin ay namulat sa kahirapan at ginamit ang basketball upang makaangat sa buhay.

“It’s all about the kids, and helping everybody get back on their feet,” aniya. “I want to inspire them to reach for their goals. There is nothing wrong with having goals. I want them to aim high and never doubt themselves.”

Bukod sa kanyang idinaos na basketball clinic, naging punong abala rin kagabi si Marion sa isang party-for-cause sa isang nightclub sa Bonifacio Global City at sasali naman sa isang celebrity poker tournament ngayong araw sa Solaire kung saan ang malilikom na pera ay mapupunta sa calamity relief efforts sa iba’t ibang bahagi ng bansa.