Diether Ocampo

MARAMI ang nagtatanong sa amin tungkol sa pananahimik ni Diether Ocampo.

Noon kasi, kahit walang ginagawang teleserye o pelikula si Diet ay visible pa rin siya dahil sa foundation niya na tumutulong sa kabataan.

Pero ngayon ay nakapagtataka nga naman kung bakit wala man lamang tayong nababalitaan sa aktor na dati ay isa sa mga paboritong alaga ng Kapamilya Network.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala siyang movie at TV project o kahit guesting man lang sa ABS-CBN kaya marami ang naghahanap kay Diether. Kung anu-ano tuloy ang umiikot na balita tungkol sa aktor, may sakit daw siya at may nagsabi pang may mabigat na pinagdaraanang personal na problema.

Kamakailan, may nasusulat na nasa ibang bansa si Diether. Pero may nagparating naman sa amin ng information na nasa isang malayong probinsiya raw ngayon ang aktor. Ayon sa informant namin, mas minabuti raw ni Diet na magpakalayu-layo para makaiwas sa anumang isyu na ibabato sa kanya kaugnay sa tsismis na may malubha siyang karamdaman.

“Mas makakabuti kay Diet na sa isang tahimik na lugar muna siya and in time naman, eh, lilitaw din siya,” banggit pa ng source namin.

Samantala, kung dati ay agad-agad na sumasagot si Diether sa mga text namin kapag may gusto kaming alamin tungkol sa kanya, ngayon ay wala na kaming natatanggap na kahit na anong mensahe mula sa kanya. Kinausap namin ang ilang taong malapit kay Diether, at pati na rin ang mga staff niya sa foundation niya, pero wala kaming nakuhang direktang kasagutan kung saan ba talaga naglalagi ngayon ang aktor.