Tinalo ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang season host University of the East (UE), 70-56, habang ginapi naman ng Far Eastern University (FEU) ang University of the Philippines (UP), 59-54, para mapuwersa ang four-way tie sa fourth place ng UAAP Season 77 women’s basketball sa Mall of Asia Arena.

Dahil sa panalo, lumakas ang tsansa ng Lady Eagles at Lady Tamaraws para sa kanilang kampanya na makausad sa Final Four round.

Sumalo ang ADMU at FEU sa Adamson University (AdU) at University of Santo Tomas (UST) sa No. 4 na taglay ang patas na barahang 5-5 (panalo-talo).

Nauna nang umusad sa semifinals ang National University (NU) makaraang walisin ang kanilang sampung laro sa eliminations habang pumangalawa naman sa kanila ang defending champion De La Salle University (DLSU) na tumapos na may 8-2 card.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Nagposte ng double-double 12 puntos at 14 rebounds si Claire Castro habang nag-ambag naman ng 10 puntos si April Siat para pangunahan ang panalo ng Lady Tamaraws.

Ipinakita naman ni Danica Jose ang kanyang laro para sa Lady Eagles matapos magposte ng 10 puntos at 15 boards at nakakuha ng suporta kina Sara Bo-ot, Claire Aseron at Francesca Tantoco na gaya niya’y nagsipagtala din ng tig-10 puntos para sa nasabing panalo.

Dahil naman sa kabiguan, tumapos ang Lady Warriors at Lady Maroons na may barahang 2-8 at 0-10, ayon sa pagkakasunod.