Piolo Pascual

DIRETSAHANG inamin ni Direk Joven Tan na si Piolo Pascual ang unang pumasok sa isip niya para mag-interpret sa komposisyon niyang Pare, Mahal Mo Raw Ako na isa sa mga entry sa grand finals ng Himig Handog P-Pop Love Songs na gaganapin sa September 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pamagat pa lang ng kanta ay alam na alam agad ng lahat na ito ay tungkol sa pagmamahal ng isang bading sa kaibigang lalaki.

Sey pa ni Direk Joven, kahit si Piolo ang nasa isip niya ay alam daw niyang hindi ito gagawin ng bida ng Hawak Kamay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inialok ni Direk Joven sa ibang Kapamilya singers, na ayaw na niyang banggitin ang names, pero lahat daw ay tumanggi.

Isa rin sa mga pinagpilian niya ang alaga ng aming katotong si Mama Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan at agad nitong nagustuhan ang kanta nang una pa lang napakinggan.

Last year ay ang entry ni Direk Joven Tan interpreted by Aiza Seguerra ang nagwagi at ngayong taon naman ay inaabangan ng lahat ang entry niya na malakas ang ugong na maaaring tanghalin uling grand winner.

Samantala, bago ang Himig Handog ay magkakaroon muna si Michael ng solo concert this coming Thursday sa Teatrino, Greenhills with guest Sam Milby, Rochelle Pangilinan, Prima Diva Billy at Herbert C.