Maricel Soriano_NORA copy

INI-ENJOY ni Maricel Soriano ang role niya as Millet sa primetime drama series na Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA-7.

Gabi-gabing nagti-trending ang soap sa social media, local and worldwide. Ayon sa mga nakausap namin, nakaka-relate sila sa story na asawa na ni Anthony (Dingdong Dantes) si Millet pero pinakasalan pa niya si Shiela (Lovi Poe). Nangyayari raw ito sa tunay na buhay at gusto nilang malaman kung paano magwawakas ang kasalanan nina Anthony at Shiela.

Ano ang reaction ni Maricel na nagsimula nang magkaroon ng twist ang character bilang mabait na asawa ni Anthony at ina ng ampon nilang si Tonton (Marc Justine Alvarez), iniwan ang pagiging may-ari ng kanilang school para lamang maasikasong mabuti ang kanyang mag-ama?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ang ikinagulat ko talaga sa role ko, masyadong nasaktan si Millet nang malaman na niya ang kasalanan ng asawa niya,” kuwento ni Maricel. “At hindi ko inisip na magiging bayolente si Millet kay Anthony, siguro naman napanood ninyo ang ginawa kong pagsampal ng 23 beses sa asawa ko. Awang-awa nga ako kay Dingdong nang ginagawa ko na ang eksenang iyon, kaya ganoon na lang ang paghingi ko ng sorry sa kanya pagkatapos. But pareho kaming professional ni Dingdong at mabubuti kaming sundalo, ginawa namin kung ano ang iniutos sa amin ni Direk Andoy Ranay.

“Mabuti na lang at hindi naman ipinagawa sa akin iyon kay Lovi. May sampalan din, pero dalawa o tatlong beses lang ipinagawa sa akin. Marami pa kayong aabangang magaganda at mabibigat na eksena, kasama na rito ang court scene dahil ididemanda ng bigamy si Anthony ng mga magulang ni Millet, sina Henry (Robert Arevalo) at Aurora (Celeste Legaspi).”

Pero in between takes, masaya at may kulitan ang cast.

“Kapag wala kaming eksena, kuwentuhan kami, biruan, lalo na kung medyo late na at may inaantok na, si Mama Sonia (Coney Reyes), Mommy Aurora, Papa Jun (Jaime Fabregas), Daddy Henry at sina Lovi at Dingdong. Mami-miss ko itong samahan namin kapag natapos na ang taping.”

May susunod pa ba siyang project sa GMA after ng Ang Dalawang Mrs. Real?

“Pahinga muna ako sa soap dahil inihahanda na ni Boss Vic del Rosario ang movie ko naman sa Viva Films. Nag-request ako ng light role naman, iba sa role ko as Millet. Siguro ‘pag natapos na ang taping namin nito, mag-uusap na kami dahil gusto rin ni Boss Vic na si Direk Andoy ang mag-handle ng project.”

Nagpasalamat si Maricel sa lahat ng mga sumusubaybay sa Ang Dalawang Mrs. Real na napapanood sa GMA-7 pagkatapos ng My Destiny.