KC Concepcion

PARA kay KC Concepcion, ang open letter na inilabas ng kanyang inang si Sharon Cuneta ay para sa mga mahal na tagahanga ng megastar. Ayun pa sa isa sa mga bida ng lkaw Lamang na kamakailan lamang ay itinanghal na FAMAS best actress, hindi pinabayaan si Mega ng kanyang fans.

"That open letter is Mom's way of letting her fans know that she's still here and she cares for them," sabi ni KC. Sa lahat naman daw ng mga ginagawa ng ina ay lagi nitong inaalala ang mga tagahanga at siyempre ang nais daw ni Ate Shawie ay laging mapagbiyan ang kahilingan ng Sharonians.

"It's her way of saying she has not forgotten them. Her struggle to get back in shape is a long process. Sa totoo lang naman, eh, hindi ganu' n kadaling magpapayat," seryosong lahad ni KC na nagwika ring hindi naman daw sila nawawalan ng komunikasyon ng kanyang ina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero sa pag-uusap nila ay wala naman pala itong nabanggit sa kanya. Masaya raw naman silang nag-uusap ng ina niya sa telepono at ni katiting ay wala siyang naramdaman na may pinagdadaanan ang megastar.

Malaki ang pasasalamat ni KC kay Judy Ann Santos na ramdam niyang sinsero ang pakikipagkaibigan sa pamilya nila. Banggit pa niya, madalas na nagkikita at magkasama sina Sharon at Judy Ann.

"I am very thankful that Ate Juday has always been there for my mom. Sincere siya sa friendship niya and she's part of our family. Like Ate Juday, me, our family, friends and her loyal fans are all behind her 100%. Kayaniya 'yan," sey parin ng kasintahan ni Paolo Avelino.

Samantala, sobrang close ngayon ang magkapatid sa ama na sina KC Concepcion at Garie Concepcion (anak ni Gabby kay Grace Ibuna). Taliwas ito sa nasusulatna hindi raw nagpapansinan ang dalawa, huh! Kahit nasa America ngayon si Garie, bago umalis do on si KC pabalik ng Pilipinas ay dinalaw niya ito at nagbonding ang step sisters.

Kuwento ng aming source na mala pit kay KC, para bang hindi nakaramdam ng pagod ang dalawa kapag nagbi-bonding. Marami silang pinuntahan, at isa rito ay ang Universal Studios. Incidentally, tuwang-tuwa si KC na lalo pang umangat sa ratings game ang Book 2 ng Ikaw Lamang.