Patay ang isang kasapi ng Barangay Peacekeeping Action (BPAT) habang sugatan ang dalawa pa nitong mga kasama nang makasagupa ang isang armadong grupo sa Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa report ng Midsayap Police Station ang engkuwentro ay naganap kamakalawa ng hapon sa Barangay Tugal, Midsayap, North Cotabato ng grupo ni Barangay Chairman Pulalon ng Barangay Tugal laban sa grupo Kagi Tandoy ng Barangay Kapinpilan. Tumagal ng 25 minuto ang barilan na ikinamatay ng isang tauhan ni Pulalon habang dalawa ang sugatan sa mga tauhan ni Tandoy.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na personal na alitan nina Pulalon at Kagi Tandoy ang dahilan ng engkwentro.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20