AGA Muhlach

NAGIGING super viral sa social media ang ALS (amyotrophic lateral sclerosis) Ice Bucket Challenge na countless international celebrities na ang gumawa.

Isa sa mga naunang local celebrity ang nag-respond dito ay ang Broadway star at Tony awardee na si Lea Salonga pagkaraang i-challenge siya ng II Divomember na si Urs Buhler.

Ang ALS Ice Bucket Challenge ay isang aktibidad o gawain na binubuhusan ang isang nominee o challenger ng balde o timba ng ice water sa ulo. Ito'y ginagawa upang ipabatid ang kahalagahan ng pananaliksik para sa sakit na ALS at hikayatin din ang ilang panibagong challengers na isagawa ito o kung hindi ay mag-donate ng $100 sa ASL.org o sa www.alsa.org.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang common stipulation para sa nominated participants ay gawin ang challenge sa loob ng 24 oras, i-video at i-challenge rin ang iba pa para gawin ito.

And Aga just accepted the challenge made by his good friend, Lea Salonga. At bago nga ginawa ni Aga ang Ice Bucket Challenge, he mentioned the names of Gov. Vilma Santos-Recto, Richard Gomez, Ronald Ventura at misis na si Charlene Gonzalez-Muhlach who was a few steps away while Aga did the challenge, to also take the ALS Ice Bucket Challenge. Si Charlene ay agad na tinanggap ang hamon ng mister.

Tanggapin kaya ni Ate Vi ang hamon ni Aga na ALS Ice Bucket Challenge? Kaabang-abang ito.

Ang ilan sa local celebrities natin na tumanggap na rin ng hamon ng ALS Ice Bucket Challenge ay sina Christian Bautista at Julie Ann San Jose. Tingin namin ay dadami pa ito lalo na't for fun and for a very good cause naman ito.

Nagpasalamat naman si Lea sa pagtanggap ng aktor sa kanyang challenge.

"Thank you, Aga, you were such a good sport to do this," sambit ni Lea sa kanyang FB post.