Patuloy ang harassment ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Peace and Development program ng militar sa lalawigan ng South Cotabato.

Sinabi ni Lt. Col. Shalimar Imperial, commanding officer ng 27th IB ng Philippine Army, na ginugulo ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril ng mga rebelde sa Sitio Blit, Barangay Ned Lake, Sebu, South Cotabato, habang isinasagawa ang Peace and Development program ng militar.

Itinuturing naman ni Col. Imperial na harassment ang ginagawa ng mga rebelde.

Unti-unti na umanong nalilinawagan ang mga residente hinggil sa panlilinlang at estratehiyang ginagawa ng NPA laban sa tropa ng militar.

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

Idinagdag pa nito na dahil sa naturang programa ay tuluyan nang nagkawatak-watak ang itinatag na “Masa” dahil na rin sa ipinapaliwanag sa mga residente ang negatibong epekto ng paniniwala ng rebeldeng grupo.

Wala naiulat na namatay o nasaktan sa panibagong panghaharas kahapon, subalit nahintakutan din ang mga naninirahan sa naturang lugar.