Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

2 p.m. – PLDT vs Cagayan Valley

4 p.m. – Army vs Air Force

Paghahandaan ng defending champion Cagayan Valley (CaV) at Philippine Army (PA) ang paghadlang na isagagawa sa kanila ng PLDT Home Telpad at Philippine Air Force (PAF), ayon sa pagkakasunod, upang ‘di mapuwersa sa do-or-die match ang kanilang semifinals series sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

National

Rep. Roman, dismayado sa pahayag ni VP Sara: ‘We should not equate being gay with being weak!’

Tatangkain ng Lady Rising Suns at ng Lady Patrollers na sakyan ang momentum sa kanilang naitalang 3-1 na panalo sa Game One upang tuluyang mawalis ang kanilang best-of-three series at maitakda ang pagtutuos nila sa championship.

“Our victory over Air Force (in the quarters) gave us a chance to get into the semis but I told them that our mission does not end there and that they must work doubly hard to achieve our goal,” pahayag ni Cagayan coach Nes Pamilar, na tinutukoy ang kanilang 28-26, 25-20, 25-20 panalo laban sa Air Spikers na tumapos sa kanilang natamong four-game losing skid sa nakaraang quarters na siyang nagbigay sa kanila ng ikatlong semifinals berth.

Pinuri din ni Pamilar ang malaking improvement na ipinakikita ng isa niyang hitter na si Rosemarie Vargas na kumawala na sa anino ng kanilang top spiker na si Aiza Maizo, makaraan itong magposte ng 18 puntos sa kanilang unang laban sa semis sa torneong ito na itinataguyod ng Shakey’s sa tulong ng Mikasa at Accel.

“Rose has been dishing out big games as do the rest of the team although they still have to play solid together. But I told them that if they wont step up and help Aiza (Maizo), we won’t be able to win games,” ani Pamilar.

Ngunit hindi naman nito nakalimutan ang naiambag na 12 puntos ni Maizo, 16 puntos ni Janine Marciano, 11 kay Pau Soriano at 9 kay Wenneth Eulalio na naging susi para makamit nila ang 25-11, 16-25, 25-14, 25-20 panalo.

Sisikapin nilang maulit ito sa muli nilang pagtutuos ng Turbo Boosters na tiyak namang sasandig kina Suzanne Roces, Gretchel Soltones, Lizlee Ann Pantone, Royce Estampa, Laurence Ann Latigas at Angela Benting sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Hangad din ng Army na tapusin na ang duwelo nila ng Air Force kasunod ng kanilang naitalang, 25-19, 25-20, 25-19 panalo sa Game One sa pangunguna nina Nene Bautista, Jane Balse, Genie Sabas, Tina Salak, Jovelyn Gonzaga, Rachel Daquis at Joanne Bunag.

Masusukat naman ang abilidad ng Air Spikers na bumalikwas mula sa pagkabigo sa pangunguna nina Maika Ortiz, Judy Caballejo, Joy Cases, Jocie Tapic, Iari Yongco, May Ann Pantino at Rhea Dimaculangan sa muli nilang pagtitipan ng Lady Troopers sa ganap na alas-4:00 ng hapon.