NAG-REACT daw ang business unit head ng Showtime na si Mr. Railey Santiago sa sinulat namin kamakailan tungkol sa dayaang nangyari sa pakontes na “Ganda Lalaki” noong Agosto 9.

Vice GandaBase kasi sa ipinadalang mensahe sa amin ng isang studio viewer, dapat ay contestant number 2 ang mananalo at hindi ang contestant number 1. Nasulat din naming negatibo ang komento ng mga huradong sina Coleen Garcia at Mr. Chinatown (hindi binanggit ang name) pero nagulat ang lahat na perfect 10 ang scores kasi may adlib daw si Vice Ganda na hindi pa tapos i-tally ang scores.

Tsika sa amin ng staff ng production ng Showtime, nabasa raw ito ng bossing nila at nagalit dahil hindi raw totoo.

Sinagot namin ang aming kausap na kinunan namin ng pahayag si Vice na itinuturong may kinalaman sa ‘dayaan’ kasi kaibigan daw niya ‘yung nagpasok o agent nu’ng nanalong contestant number 1.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

Binanggit din namin na sumagot si Vice at kung may karagdagang paliwanag ang sinuman sa Showtime, e, madali naman akong tawagan.

“Though imposible rin naman, Reggs na mangyari kasi ‘pinapakita naman sa TV ‘yung scores kaya paano dadayain? Ito rin ang katwiran ni Sir Railey,” sabi sa amin. “Pakisulat mo na hindi totoo ‘yung dayaan.”

Bagamat sumagot na si Vice ng, “NGEK! NGEK!” na ang ibig sabihin ay hindi totoo, at isinulat nga namin iyon, minabuti naming isulat ang panig ng production na rin mismo sa sinabi ng business unit head ng programa.