Binigyan ng go-signal ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Mike Arroyo na makabiyahe sa Europe sa susunod na buwan.

Sa pagdinig kahapon sa Fifth Division ng anti-graft court, kinontra ng prosecution panel ang nasabing mosyon ni Arroyo na makapunta sa abroad at idinahilang hindi ito detalyado.

Binanggit ng hukuman na ang biyahe ni Arroyo sa Germany at iba pang bansa sa Europe ay simula Setyembre 21 hanggang Oktubre 10.

Paliwanag ni Ferdinand Topacio, abogado ni Arroyo, magbabakasyon ang kanyang kliyente sa Germany at iba pang miyembro ng pamilya.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft dahil sa pagbebenta umano ng second hand na helicopter sa Philippine National Police (PNP) kung saan ang presyo nito ay kasing halaga ng brand new unit. - Rommel P. Tabbad