ISA sa mga pinakahihintay ng mahigit tatlong-daang alaga ng Star Magic talent development and management agency ng ABS-CBN at maging ng entertainment at fashion industry ang Star Magic Ball.

Sa September 6 na ito gaganapin sa Makati Shangri-La.

Kaya abalang-abala na ang mga staff ng Star Magic at ang kani-kanilang mga alagang artista na super excited na naman siyempre sa mga isusuot nilang likha ng mga sikat na fashion designers ng bansa.

Iba’t ibang disenyo uli ang irarampa ng talents ng Star Magic sa gabing iyon ng Sabado na “Hollywood glam” ang peg at white, black and silver naman ang motiff.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuwento sa amin ng Star Magic PR head na si Ms. Tess Gubi, mas bonggacious ang kanilang 8th Star Magic Balll ngayong taon at mas kaabang-abang ang pagdadalo ng halos lahat ng mga alagang artista nila.

Dagdag pa niya, this year’s Star Matgic ball will be shown sa Skycable pay per view and sa Sundays’ Best special airing kinabukasan, September 7.

Taun-taon nangbubulaga sa headlines ng iba’t ibang showbiz pages ang mga kaganapan sa Star Magic Ball. Sa September 6, sino naman kaya ang gagawa ng ingay at mas pag-uusapan sa mga alaga ng Star Magic?

Sabi ni Madam Tess, abangan na lang natin dahil ang kanilang mga pasabog sa isa sa pinakamalaking showbiz gatherings sa taong ito.