Lyca Gairanod

KAGAYA ng pangakong palalakasin ng mga namamahala ng Hawak Kamay ang kanilang programa, unti-unti na ngang nararamdaman ng televiewers ang pagbabago sa seryeng pinagbibidahan ni Piolo Pascual.

Napanood na ngayong linggo si Juan Karlos “JK” Labajo at papasok na rin bilang isa sa mainstays ang The Voice Kids grand champion na si Lyca Gairanod.

Dahil sa ipinakitang kahusayan sa akting sa Maalaala Mo Kaya na nakapagtala ng 34.8 percent rating, nagdesisyon ABS-CBN management na isasama sa Hawak Kamay si Lyca.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nag-umpisa nang mag-taping si Lyca para sa nasabing serye kaya makakasama na siya ng ilan sa top child stars na sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Yesha Camile.

Bukod kina Lyca at JK, magiging mainstay na rin ng programa si Tirso Cruz III na huling napanood bilang gobernador sa Book 1 ng Ikaw Lamang.

Pagkatapos patayin ang karakter sa Ikaw Lamang, nakatakda sanang magbakasyon si Tirso sa ibang bansa kasama ang asawang si Lyn Ychausti pero dahil sa pagdating ng bagong assignment sa Hawak Kamay ay nagbago ng desisyon ang aktor.

Nabanggit ng source namin na may isang popular actress pang idadagdag sa mainstays ng Hawak Kamay. At kung hindi magbabago ang plano, balak din nilang kunin ang sikat na loveteam bilang suporta pa rin sa serye ni Papa P, huh!