CEBU CITY – Tatlong opisyal ng Cebu City Police Office (CCPO) ang sinibak sa puwesto dahil sa paggamit umano ng mga impounded vehicle.

Kinilala ni CCPO Director Noli Romana ang mga sinabak sa puwesto na sila Punta Princesa Police Station Commander Noli Cernio, Fuente Police Station Deputy Chief William Alicaba at Homicide Chief Elisandro Quijano. Ang tatlo ay iimbestigahan ng Investigation and Detection Management Branch (IDMB) hinggil sa isyu.

Ang tatlo ay inakusahan ng ilegal na paggamit ng isang Mitsubishi Lancer para sa personal at opisyal na gawain bagamat ito ay walang kaukulang permiso ng korte. Ang sasakyan ang kinumpiska ng CCPO-Theft and Robbery section noong Hunyo 2013.

Sinabi ni Alicaba na ang sasakyan ay abandonado na at walang may-ari nito ang nagpakita sa himpilan ng pulisya.

Metro

Mandaluyong, nakamit ang 100% rating sa child-friendly local governance audit

Nang palitan ni Quiano si Alicaba bilang CCPO-TRS chief, ginamit din nito ang Lancer nang walang kaukulang pahintulot ng korte. At mging si Cenio ay ginamit din umano ang kontrobersiyal na sasakyan nang siya ay maupo bilang hepe ng CCPO-TRS.

Ang sasakyan ay kinumpiska ng pulisya matapos itong gamitin umano ng mga sindikato sa iba’t ibang ilegal na gawain subalit hanggang mabisto ang hindi awtorisadong paggamit nito ng tatlong pulis, wala pa ring umaangkin dito. - Mars. Q. Mosqueda Jr.