Matteo Guidicelli

HINDI naisama ni Matteo Guidicelli si Sarah Geronimo sa premiere night ng pelikulang Somebody To Love last Tuesday night. Maraming fans pa naman nila ang nag-abang sa pagdating ng super sikat na singer/aktres.

Katwiran ni Matteo sa mga nagtanong sa kanya, maraming commitments si Sarah nang gabing ‘yun kaya hindi na niya pinilit na sumama sa kanya ang girlfriend.

Pero may ilang ayaw maniwala sa dahilang ibinigay ni Matteo.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ginawa na namang kontrabida ng mga ito ang nanay ni Sarah. Mahigpit na binantayan daw kasi nang gabing ‘yun ni Mommy Divine ang dalaga. Sinigurado daw na hindi makapuslit ang pop star princess para sa nabanggit na premiere night.

“Alam ‘yan ni Matteo na hindi makakarating si Sarah sa premiere night ng pelikula niya. Galit si Mommy Divine at ayaw nitong magamit si Sarah para sa pelikula niya,” sey ng source namin.

Pero kahit ilang beses nang napapahiya ay panay pa rin ang pagtatanggol ni Matteo sa pamilya ni Sarah lalung-lalo na sa ina ng dalaga.

Itinanggi rin ng aktor ang isyung nanlilisik ang mga mata ng ina ni Sarah nang mahuli nitong nasa dressing room ni Piolo Pascual ang anak at nandoon din nang mga sandaling iyon si Matteo.

Samantala, kung hindi man naisama sa premiere night ay naitakas naman ni Matteo si Sarah para manood ng kanyang pelikula kinabukasan.

May nakakita kasi sa dalawa habang magkasama sa Bonifacio High Street. Nakunan pa ng picture ang dalawa habang nasa escalator at nakahawak sa braso ni Matteo si Sarah, huh!