BAMBAN, Tarlac— Nakadetine ngayon sa Bamban Police Station ang isang 21-anyos na lalaki matapos abusuhin ang sariling pamangkin sa Barangay Old Anupul, Bamban, Tarlac kamakalawa ng umaga.

Itinago ang biktima sa palayaw na Juday, 13, habang ang suspek ay kinilalang si Rene de Guzman, binata, ng Barangay Lapaz, Bamban, Tarlac.

Ayon sa report, naiwan ang biktima sa bahay at nagtungo ang kanyang ina sa bayan na sinamantala naman ng suspek. Matapos ang insidente ay nag-text ang biktima sa kanyang ina na kaagad namang nagtungo sa pulisya para isuplong ang suspek.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary