Nagkakahalaga lamang ng P306.75 ang cake ng Makati City government at hindi P1,000 na ipinamamahagi nito sa mga senior citizen ng lungsod.

Ito ang paglilinaw ni Makati City Administrator Eleno Mendoza taliwas sa pahayag ni Atty. Ernesto Bondal, isa sa complainant sa plunder case na inihain laban kina Vice President Jejomar Binay, Makati Mayor Jejomar Erwin Binay at ilang opisyal ng lungsod, na umaabot sa mahigit P1,000 ang presyo ng kada cake na ibinigay ng pamahalaang lokal sa mga nakatatandang residente dito na nagdiriwang ng kanilang kaarawan o anibersaryo ng kasal.

Ayon kay Mendoza, isusumite nila sa Senado ang mga dokumentong nagpapatunay sa halaga ng cake para sa mga senior citizen.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Vice President na si Joey Salgado,ang insidente sa pagdinig sa Senado, kung saan nagdala ng mga cake si Bondal, ay isang simpleng pagtatangka na gamitin ang Senado bilang plataporma upang isulong ang malisyoso at walang basehang alegasyon laban sa mga Binay.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

“We would want Mr. Bondal to show documents to prove his claim that the cakes were priced at P1,000. The city government has all the documents, and the purchases went through bidding as required by law,” sabi ni Salgado.

Aniya karugtong lamang ito sa mga kasinungalingan ibinabato ni Bondal, simula sa kanyang sinasabing overpriced sa itinayong Makati City Building 2 at ibang imprastrukturang proyekto.

Unang inihayag ni Binay na ang National Statistics Office (NSO) ay hindi ang final arbiter kaugnay sa alegasyon ng overpricing sa Makati City Building 2 dahil nakabatay sa guidelines ng Commission on Audit at pagdinig sa Supreme Court ang pagpapatayo ng kontrobersiyal na gusali.