Gilbert Arenas

Makalipas ang anim na taon nang una siyang bumisita, magbabalik si dating National Basketball Association (NBA) superstar Gilbert Arenas upang samahan ang isa pang icon para sa isang charity basketball event sa Nobyembre.

Makakasama ni Arenas, isang three-time All-Star, ang dating NBA MVP na si Allen Iverson para sa “All In,” isang basketball fundraiser para sa Gawad Kalinga sa Nobyembre 5 sa Mall of Asia Arena.

Tinaguriang “Agent Zero,” makikipagtambalan si Arenas sa isa pang dating bituin ng NBA na si Eddie Curry at local selection ng mga manlalaro mula sa NCAA, UAAP at PBA kontra sa Ball Up Streetball All-Stars na igigiya naman ni Iverson.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“I’m excited to come back and see everyone in the Philippines,” pagmamalaki ni Arenas, na nagningning para sa Washington Wizards noong 2003-10, sa isang text message sa kanyang local agent na si Sheryl Reyes. “It’s been six years, but I can still remember the warmth and love I received from my Filipino fans. I’m so honored and blessed to be a part of this event and help build homes for the poor.”

Handog ng PCWorx, mabibili na ang mga tiket para sa “All In” sa lahat ng SM Tickets outlets, mga sangay ng PCWorx, at online sa www.smtickets.com. Ang mga presyo ay P6,500 (VIP), P5,500 (Patron), P4,000 (Lower Box), P2,000 (Upper Box), at P600 (General Admission).