MULING nagwagi ng P1 milyon ang Star In A Million season two (2003) grand winner na si Frenchie Dy nang tanghalin sila bilang ikaapat na milyonaryo ng musical game show na The Singing Bee nitong nakaraang Lunes (August 18).

Agad na naging emosyonal si Frenchie nang tugtugin ang Kung Kailangan Mo Ako ni Rey Valera, ang pang-apat na kantang nahulaan niya nang tama at nagpanalo sa kanya sa final countdown round.

“Theme song namin ‘yon ng mommy ko,” sabi niya.

Ang kapwa niya kampeon sa kantahan na sina Mitoy Yonting ng The Voice at Jovit Baldovino ng Pilipinas Got Talent ang nakatunggali niya sa naturang episode.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nang mabakante ang puwesto para sa defending champion ng programa matapos ang pagkapanalo ni Frenchie, sinubukan naman ng Ang TV alumni na sina Antoinette Taus, Baron Geisler, at Vandolph Quizon ang suwerte nila sa musical game show nitong Martes (Agosto 19), at sina Bangs Garcia, Assunta de Rossi, at Meryll Soriano naman ang naglaban-laban kahapon.

Samantala, mapupuno ng kilig ang entablado ng The Singing Bee ngayong araw sa pagdating ng ilan sa mga tinitiliang young stars ngayon na sina Joseph Marco, James Reid, at Nadine Lustre. Bukas nanab magpapagalingan sa biritan sina Julia Barretto, Michelle Vito, at Coleen Garcia.

Patuloy na maki-beerit sa huling dalawang linggo ng The Singing Bee, ang daily vitamin Bee ng Pinoy, kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez, mula Lunes hanggang Biyernes, 10:45 AM sa ABS-CBN.