Bumagsak sa mga kamay ng QCPD-Anti Carnapping ang lider at limang miyembro ng kilabot na carnap syndicate sa Quezon City, iniulat noong Martes ni Director Chief Supt. Richard Albano sa isang pulong sa Camp Karingal.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Mark Lester y San Diego, 37, lider ng Mac Lester Reyes Carnapping Group; ang live-in partner nitong si Richell Sibug y Borja, 30, kapwa nakatira sa Barangay 127, Caloocan City; Armando Del Cruz, 26, ng Barangay Sta. Barbara, Baliwag Bulacan; Alvin Ganac, 19, ng Barangay 10 Casinvlac, Catanaun, Quezon; Pablito Gumasing, 34, ng Batya St., Marilao, Bulacan at Macario San Diego, 23, ng 10th Avenue, Caloocan City.

Walang piyansang inihain ang korte sa mga suspek na nakapiit ngayon sa Camp Karingal at sinampahan na ng Quezon City Prosecutors Office ng kasong carnapping, illegal possession of firearms and explosives at possession of illegal drugs. - Jun Fabon

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary