Lucky 13 gang

Ni CATHERINE TORRES, trainee

ISA ang Talk Back and You’re Dead sa biggest youth-oriented movies ngayong taon. Hindi lang dahil kagagaling sa monster hit ng lead stars na sina James Reid at Nadine Lustre (Diary ng Panget), kundi kasama rin nila ang Kapamilya hunk na si Joseph Marco.

Sina James at Joseph ang gumawa ng gang na kilalang-kilala at tinatawag na Lucky 13, dahil sila ay binubuo ng mayayamang kabataan na magpapakita ng kumplikadong pagmamahalan ng kanilang leader na si Top (James) at ng kanyang kasintahang si Sam (Nadine).

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Ang Lucky 13 ay mula sa imahinasyon ng mga tagahangang kababaihan mula sa best-selling book na hinango sa wattpad.com.

Kasama sa Lucky 13 ang VIVA Artists Agency (VAA) talents na sina Josh Padilla, Aki Torio, Cliff Hogan, Bret Jackson, Billy Villeta, Kiko Ramos, Arkin del Rosario, King Corteza, Clark Merced, Carlo Lazerna at Ryan Kevin.

Si Josh ay gaganap bilang Six, ang “chubby chaser” sa gang, isang aktor, mang-aawit, commercial model at host, Ateneo student at kasalukuyang MTV Pinoy VJ. Si Aki ay gaganap bilang Jun sa gang, ang “selfie king”, member ng hit pop-dance recording act na XLR8. Si Cliff ay gaganap bilang Omi na may “killer smile”na look-alike ni Justin Bieber; si Billy naman ay bibigyang katauhan si Vin, ang “silent type” sa gang. Si Arkin (Seven), “the most vain in the group”, member din ng XLR8; Si Kiko (Pip) a.k.a “boy pick-up” kasama rin sa Diary ng Panget; si Carlo (Dos) Lucky 13’s “alaskador”, Ryan (Mond) Lucky 13’s “flashy one” si Clark (Sun) ang “Mr. Sunshine” at si King (Kyo), “the broken hearted prince.”

Ang Talk Back and You’re Dead ay ipapalabas na sa mga sinehan nationwide simula ngayong araw.