Nagbabala si dating Senador Joker Arroyo sa pamahalaan sa usapin ni dating Army Major General Jovito Palparan.

Ayon kay Sen. Arroyo, nasa balag ng alanganin ang pamumuno ni Pangulong Aquino dahil sa kaso ni Palparan dahil bukod sa Korte Suprema, kabangga na rin ng Punong Ehekutibo ang Armed Forces of the Phiiippines (AFP).

Sinisisi din ni Arroyo ang Kongreso sa mabilis na promosyon ni Palparan na pinaboran ng Commission on Appointment (CA).

“The military fraternity, from the highest ranks to the hierarchical leadership down to the officers corps, say that they will not let their buddy down and invoke the presumption of innocence until found guilty,” ayon pa kay Arroyo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aniya ramdam nila na kapag may mangyayari kay Palparan at hinamon ang pamahalaan na obligasyon nito na protektahan ang isang tao na nasa kanilang kustodiya.

Aniya dalawa sila ni Senator Serge Osmena III at Rep Ding Roman, ang tumutol sa kumpirmasyon nito dahil sa mga kaso ng paglabag sa karapatangpantao ng heneral.

“The AFP abandoned Marcos that led to EDSA and his flight to Honolulu. The AFP abandoned Estrada that helped his ouster. The President is walking in a tightrope. Let’s hope that Palparan case will not be a part of the problem” dagdag pa ni Arroyo.

Si Palparan ay na-promote mula sa ranggong colonel ni dating President Fidel Ramos noong Enero 15, 1996, nakumpirma ang appointment nito ng CA noong Marso 20, 1996.

Muling na-promote si Palparan ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo sa ranggong brigadier general noong Enero 10, 2003, at nakumpirma ng CA noong Pebrero 4, 2004. Muling tumaas ang ranggo ni Palparan noong Oktubre 20, 2004 at nakumpirma naman ng CA nooong December 14, 2005 kung saan mahigpit ang naging pagtutol nila ni Sen. Osmena at ni Rep. Roman. (LEONEL ABASOLA)