Enrique at Liza

'Pangako Sa 'Yo,' napunta na sa KathNiel

AYON sa mga dumalo sa story-con at look test kahapon ng unang seryeng pagsasamahan nina Enrique Gil at Liza Soberano ay sobrang saya ng dalawang youngstars na sa kanila ipinagkatiwala ang remake ng certified blockbuster movie na Forevermore na pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales noong 2002.

Ang Forevermore ang napagdesisyunan ng ABS-CBN management na ibigay kina Enrique at Liza dahil ang remake ng Pangako Sa ‘Yo una nilang dapat pagbidahan ay napunta na kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sabi ng kausap naming TV executive, baka naisip ng management na ibigay na lang kina Daniel at Kathryn bilang follow-up sa kumita nilang pelikula na She’s Dating The Gangster at kasunod din ng serye nilang Got To Believe In Magic.

Kung hindi magbabago ang plano ay sa Oktubre na ang airing ng Forevermore nina Enrique at Liza samantalang ang Pangako Sa ‘Yo nina DJ at Kath ay sa 2015 pa.

“Siyempre, hindi naman puwedeng magsabay ang dalawang serye na nasa iisang unit, baka may mag-suffer,” katwiran sa amin.

Samantala, aminado ang tagapagtanggol ng GMA-7 na tiyak na mahihirapan na naman silang tapatan ang mga nabanggit na programa.

“Ganu’n?! ‘Kaloka, ano kaya ang itatapat ng GMA sa Pangako Sa ‘Yo at Forevermore? Lagot na naman.”

Oo nga naman, wala namang young stars ang GMA na puwedeng itapat kina Daniel, Kathryn, Liza at Enrique, ‘di ba, Bossing DMB?