RISHON LEZION Israel (Reuters)— Hinarang ng Israeli police noong Linggo ang mahigit 200 far-right Israeli protesters na makalapit sa mga bisita sa kasal ng isang babaeng Jewish sa isang lalaking Muslim habang sumisigaw sila ng “death to the Arabs” , senyales na tensiyon na idinulot ng Gaza war.

Ilan dosensng pulis, kabilang na ang mga kasapi ng most elite units, ang bumuo ng human chains upang mailayo ang mga nagpoprotesta sa gate ng wedding hall at hinabol ang mga nakalusot sa kanila. Apat ang inaresto, at wala namang nasugatan.

Tinawag ng mga nagpoprotesta na traidor ang nobyang si Maral Malka, 23, na yumakap sa Islam para pakasalan si Mahmoud Mansour, 26. Sila ay kapwa nagmula sa Jaffa section ng Tel Aviv. Ngunit may ilang dosena na kinontra ang protesta bitbit ang mga bulaklak, lobo at karatula na nagsasabing: “Love conquers all.”

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza