blind-copy-copy (5)

AKALA namin ay tinalikuran na ng kilalang aktres ang bisyo niya dahil nasubukan na niyang lumagpak sa lupa at nahirapan at natagalan siyang makabangon.

Pero hindi pa pala nagbabago ang kilalang aktres dahil nakatagpo siya ng ka-jamming, isang kilalang aktor naman na kasundo niya sa bisyo.

Dedma kami nu’ng una sa tsikahan ng non-showbiz friends namin kapag nagkikita-kita kami dahil, unang-una, hindi naman kami close sa mga pinag-uusapang artista kaya keber ba namin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero nakapag-comment din kami ng panghihinayang lalo na sa kilalang aktres na nakabalik na sa kanyang career pero heto at bumabalik din sa dating bisyo. Hindi ba siya magpapasalamat na marami pa ring nagmamalasakit sa kanya kaya tinulungan siyang makabangon?

“Eh, paano magbabago, mismong karelasyon niya ang ka-jamming niya kapag nasa bahay sila,” say ng non-showbiz friend namin. “Sinasadya ‘yun ng karelasyon niya para hindi siya iwan ni _____ (aktres) para may kinakapitan.”

Akala pa naman namin ay matino ang karelasyon ng kilalang aktres, kasi nga siya ang tumutulong dito financially noong lugmok ito sa buhay.

Eh, ano naman ang problema ng kilalang aktor na nasa peak pa naman ng kanyang career at hindi pa rin tumitigil sa masamang bisyo?

“Reggee, kapag may pera ka at mayayaman ang mga kaibigan mo at ganu’n ang trip nila, siyempre, join siya, feeling niya, in siya sa ganu’n. At saka pampagising ‘yun kasi kaliwa’t kanan ang work nila at hinahanap na rin ng katawan nila ‘yun,” sagot ng non-showbiz friend namin.

May pagkakataon nga raw na inimbita sa birthday party si Kilalang Aktor ng non-showbiz friends namin dahil close nila at nangakong pupunta, pero sa isang kundisyon, dapat ay may kuwarto siya para may privacy dahil nga may gagawin siya.

“Naloka si _____ (birthday celebrant) dahil ayaw niya ng mga ganu’n dahil gusto niya saya-saya lang at inuman, walang bisyu-bisyo. Kaya ang ending, hindi na lang siya pinapunta kasi mahirap na, baka magkaroon ng gulo, eh, madamay pa si _____ (birthday celebrator),” kuwento ng non-showbiz friends namin.

Kaya pala parang iisa na ang itsura ng kilalang aktor at kilalang aktres, parang mga zombie ang mga mata kapag kausap at kapag tumingin.

Sana magbago na sila, Bossing DMB kasi nakakahinayang talaga dahil mahusay naman silang mga artista.

Ang nakakalokang sabi sa amin, “Ano ka ba, lahat ng magagaling na artista, maski sa Hollywood, may masamang bisyo!”

Susme, parang mas okay na palang maging ‘ham actor’ kaysa premyado ka nga, puro bisyo ka naman, ha-ha-ha!