Walang ilegal sa plano ng Philippine National Railways (PNR) na muling buhayin ang bus service system nito na dating gumaganan noong dekada 1970.

Ito ang inihayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima base sa kanyang 2-pahinang opinyon na ang plano ng PNR na muling patakbuhin ang bus service system ay nakasaad sa Republic Act 4156, o ang batas na nagtatag ng train system sa bansa.

“The purpose and powers of PNR are clear and explicit from the...provisions of the PNR Charter , as amended, that there is no need for interpretation, only application,” pahayag ng DoJ chief.

Nagpalabas ng opinyon si De Lima sa isyu bunsod ng kahilingan ni PNR General Manager Joseph Allan Dilay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ni Dilay na dating pinangangasiwaan ng PNR ang bus lines na bumibiyahe mula Manila hanggang Dagupan City subalit naglaho ang mga bus kinalaunan.

Subalit sinabi ni Dilay na hinihiling ng publiko na muling buhayin ang bus service ng PNR dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon.

Sa Ilalim ng Republic At 4156, sinabi ni De Lima na itinatag ang PNR upang magbigay serbisyo sa pamamagitan ng railroad at transportation system sa publiko.

Kabilang sa mandato nito, ayon pa sa DoJ chief, ay magari at magpatakbo ng railroad, tramways, at iba pang uri ng transportasyon, barko at pipeline upang makapagbigay serbisyo sa mga pasahero, koreyo at ari-arian sa ano mang lugar sa bansa. (Leonardo d. Postrado)