Nahuli na si retired Maj. Gen. Jovito Palparan matapos ang ilang taong pagtatago. Kelan naman kaya mahuhuli ang iba pang pugante, sina ex-PalawanGov. Joel Reyes at kapatid na ex-Coron Mayor Mario Reyes, atex-Rep. Ruben Ecleo. Siya ay nahuli ng mga tauhan ng NBI sa isang lugar sa Sta. Mesa, Maynila. Sabi nga niya sa nakahuli sa kanya: “Naisahan ninyo ako”.

Ayon sa ulat, si Palparan ay may sakit na diabetes at alta-presyon. Sa isang banda,makabubuti rin sa kanya ang pagkakadakip dahil siya ay makapagpapagamot sa ospital kaysa sa siya ay panaguan. Si Palparan ay isang decorated soldiers at maraming medalya at papuri ang natanggap dahil sa masidhing paglaban sa mga komunista. Para sa mga aktibista at grupong militante, si Palparan ay isang berdugo na walang awa sa pagdukot at pagpatay sa kanilang kasamahan. Gayunman, para sa mga tao at grupong anti-communist, siya ay isang bayani. Noong 2006, pinuri pa siya ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang SONA.

Samantala, si Pnoy naman ay nag-offer ng P2 milyong reward para sa ikadarakip niya. Sa susunod na paglilitis, maipagtatanggol niya ang sarili kung siya nga ang nagpadukot sa dalawang UP students, sina Karen Empeno at Sherilyn Cadapan noong 2006 sa Hagonoy, Bulacan.

Matagal na palang gustong bumisita sa Pilipinas si Pope Francis. Noon pa palang Marso o Hunyo 2013 nais niyang magpunta sa Pilipinas na para sa kanya ay “close to my heart.” Nakatakdang bumisita sa bansa ang Papa sa Enero,2015 at dadalawin din niya ang mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Matindi ang pamimiyapis ng Ebola virus sa West Africa. Marami na ang namatay. Ayaw ni SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na dumalo sa pagdinig ng Kamara sa hinihingi ng Supreme Court na P19.499 bilyong pondo para sa 2015. Patay na ang sikat na komedyanteng si Robin Williams na Academy award winner din. Naging pangalawang ginang niya si Marsha Garces na isang Fil-Am. May hinalang siya ay nag-suicide.