Iza-Calzado_REGGEE-copy-550x418

ni Chit A. Ramos

YUNG non-appearance si Carla Abel1ana sa big presscon ng Somebody to Love at birthday party ni Mother Lily Monteverde, ever present naman si Iza Calsado kahit hindi siya una sa billing ng pelikula kundi si Carla.

May malaking explanation naman kung bakit. Nakabalandra kasi ang sangkatutak niyang mukha sa layouts at billboards. Posible bang promo strategy iyon dahil mas bida si Carla kaysa kay Iza sa pelikula?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Okey lang kahit ana ang dahilan," nakatawang sabi ni Iza. "Ayokong makialam sa gus tong mangyari ng producer. They know better than any of us. Producer sila, it's their money. The way I look at it effective naman. Napapanood nila ako at nakikitang nagpo-promote, pero hinahanap ang billing ko. Actually, kahit naman saan ilagay ang pangalan ko, okay pa rin sa akin. Sa halip na magtampo, dapat pa akong magpasalamat dahil mahal na mahal ako ni Mother Lily at feel ko 'yan sa dami ng projects ko."

Sa palagay ni Iza, may kinalaman din ang sitwasyong iyon sa role niya.

"Ibang-iba kasi. Sure na sure ako na patuloy na tataas ang kilay n'yo kung sino ang peg ko sa role na mataray at mapaggawa ng gimik para lagi akong pag-usapan.

"May isa pang intriga na ini-enjoy ko ngayon. Ang daming nagnanasa sa boyfriend ko. 'Buti na lang ako lang ang pinagnanasaan niya," patuloy niya kasunod ang nakakahawang halakhak.

"Feel na feel ko na ako lang sa buhay niya, pero, hindi ko rin alam. Basta, hindi ko pinoproblema 'yon. Basta, doon na ako sa feeling ko na ako lang talaga ang mahal niya, ang nag-iisang babae sa buhay niya. At iyon nga, ako lang ang pinagnanasaan niya. Kahit marami ang nagnanasa sa kanya. Hindi na niya iyon kasalanan!

"Iniba rin ni Mother at ni Direk Joey Reyes ang image ko dito. Hindi na ako kagayang laging napapanood nilang api-apihan, martir-martiran o kaya'y binubugbog-bugbog.

"Ako na ang mataray dito. Malulutong na mura ang marinig n'yo sa akin. Taray-tarayan ako dito, walang paki sa damdamin ng iba. I truly love myself and lagi akong nagiisip kung ano ang dapat gawin para laging ako ang nasa itaas. Ako ang laging bida at pinag-uusapan."

Sa katatapos na record-breaking na pelikulang Starting Over Again ng Star Cinema, wala ring billing si Iza. Tanging sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ang nakalagay.

"Pero, sa akin napunta si Piolo sa ending hindi kay Toni. Kaya mahiwaga talaga ang roles ko. Paglabas ng mga tao, alamnilana ako ang nakatuluyan ni Piolo. Hindi na napansin na wala ako sa billing.

''I'm not saying though na hindi ako interesado sa billing. I just want to emphasize na may dahilan kung wala ko sa billing o kung bakit hindi ako ang nauna.

"Walang 'pinag-iba sa akin. They always recognize me at lagi-laging may mas malakingprojectna kasunod. Sa ABS-CBN, nagkaroon agad aka ng teleseryeng Hawak Kamay," with Piolo uli.

"Mare-remember n'yo naman siguro na first movie ko pa lang noon sa Star Cinema, asawa na agad aka ni Piolo, 'yung Milan, remember? Pero, si Claudine Barretto siyempre ang leading lady ni Piolo. Doon din nagsimula ang martir-martiran roles ko.

"Kay Mother, hindi lang isa o dalawang pelikula ang gagawin ko. Marami daw at naniniwala ako dahil tinototoo niya," sabi pa ng maganda at mabait na dalaga.