Matteo-Guidicelli

LABIS-LABIS ang respeto ni Matteo Guidicelli sa mga magulang ng kanyang kasintahang si Sarah Geronimo. 

Ayon sa isang source namin, kahit daw may sama na ng loob si Matteo sa kanila ay never na ipinahalata iyon ng aktor sa mga magulang ng popstar princess. 

“Masuwerte talaga si Sarah kay Matteo dahil napakabait na tao niya at talagang masunurin sa mga gusto ng magulang ng dalaga. Pero naniniwala rin naman kami na may hangganan din ang pagiging mabait ni Matteo,” sey pa ng source namin.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

May diin pang banggit ng source, dapat daw matuwa ang mga nakapaligid kay Sarah dahil bukod sa kabaitan at kaguwapuhan, cultured and refined at galing sa isang buena pamilya sa Cebu City ang binata. 

“Edukado si Matteo, may respeto sa maliliit na tao, maganda talaga ang pagpapalaki at higit sa lahat may breeding. Hindi kagaya ng iba riyan na talagang ipinagmamalaki ang pagiging sikat nila,” sey pa ng aming source. 

Bilang respeto rin ni Matteo kay Sarah at sa magulang ng dalaga, sobrang iniiwasan ng binata at hindi raw nito kayang ipamalita sa lahat ang totoong petsa ng simula ng kanilang  pagiging magkarelasyon.