GENERAL SANTOS CITY – Inaresto ng pulisya ang isang guro sa pampublikong paaralan dahil sa pang-aabusong seksuwal sa kanyang 15-anyos na babaeng estudyante noong Disyembre 2013.

Dinakip noong Huwebes si Rey Elipongga, guro sa Bula National School of Fisheries sa Barangay Bula rito, kaugnay ng reklamong rape ng isang 15-anyos niyang estudyante may walong buwan na ang nakalilipas.

Sa reklamo ng dalagita, sinabi niyang inakit siya ng suspek at pinilit na magtalik sila.

Itinanggi na ni Elipongga ang akusasyon. - Joseph Jubelag

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho